Linggo, Hunyo 29, 2014

Death Instinct

June 30, 2013
Different Sunday. Unexpected things came. Extremely shocking.

Sunday morning rain is falling. Steal some covers share some skin. The moment is unforgettable. Ganyang-ganyan ang setting noon'g June30. Isang malamig na daling araw at maulan na panahon. Mahirap umalis. Mahirap bumangon. Pero kailangan para sa pag-attend ng General Assembly ng IECEP-MSC (Organizational Annual Activity). Pero sobra ang lakas ng hangin at ulan kung saan nagdalawang isip na ang lahat na pumunta pa sa nasabing event. Ako, personally, hindi na ko tumuloy pa at nagstay na lang sa bahay nila. Habang kumakain ng breakfast, pinapauwi na nya ako. Hindi ko alam kung bakit ganun pero ramdam ko'ng may iba. Natapos ako'ng kumain. Ayoko pa talaga'ng umuwi pero pinuPUsh nya ako'ng umuwi na at umalis na. Nanood na aKo ng tv, palipas oras nang bigla syang tumayo sa pagkakarinig ng cellphone nya na may tumatawag. Lumayo sya sa akin nung sinagot nya ang tawag na yun. Naiba ang hitsura ko, naiba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko, ang bigat bigat at ang sakit sakit sa kalooban ko. Narinig ko na tinawag nya ang kausap nya'ng "Ma'am" pero lumipas ang isang minuto ng pag-uusap nila, agad syang tumaas sa 2nd floor ng bahay nila para hindi ko lalo marinig ang usapan nila. Tuluyan na'ng hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila. Pero mula sa iilang phrases na narinig ko, nabuo sa isip ko na isa iyong malaking pagkakamali na malalaman ko din. Bumaba sya ng bahay nila, ako tulala na. Di ko na sya kinakausap, yung coldness nandoon. Pero di ko din napigilan kaya tinanong ko sya kung sino yun'g tumawag at kung bakit may pasundo sundo yung narinig ko. Ang sinagot nya sa akin ay isa iyong ojt nila sa trabaho, Jaine ang pangalan. Nagpapasundo yung babae sa Binangonan bayan dahil puupunta sila ng Pantok, Binangonan para magpatulong sa iba pa nilang Sir at Ma'am sa thesis ng mga taga-Bataan. I convinced myself na umuwi na nga lang at agad ko'ng naisip na magpunta na lang muna ng SM Taytay para bumili ng diff.stuffs :3 Inakala ko din'g sasamahan nya ako pero nagkamali ako. Nasa kanto na, naghihintay na kami ng jeep pa-sm. Sabi nya ng isang beses, samahan nya daw ako pero di rin nya ko sinamahan kasi trap lang yun. Walang dumadaan na jeep Sm. Sabi ko sa kanya, tawid na lang kami dahil sasama na lang ako sa kanya sa Bayan ng Binangonan. He refused. He grabbed my hand forcefully at inakyat sa jeep patropical. Coldness again. Di ako nagtext, Di ako tumawag. Wala kahit ano. Malalim ang iniisip ko. Di ako mapalagay. Marami na ang naglalaro sa isip ko. Marami na syang text. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mahirap. Masakit.Mas mahirap. Mas masakit. Nagulat ako na may tawag galing sa kanya, i answered it. Mag-ingat daw ako at magtext time-to-time. Sumagot ako ng oo. Dumating ako ng Sm; kumain, bumili ng iba't-iba nyang gamit at kumain ulit. Mag-aalas tres na ng hapon, nirereject nya na ang mga tawag ko o kaya naman hinahayaan nya'ng magring lang ang phone nya. Nung nakausap ko sya earlier 3pm, sinabi nya sa akin na nasa Pritil sya at naglalakad sa baybayin nito. I worried so much kaya tumawag ako sa isang kaibigan, sa isa nyang malapit na kaibigan para itanong ang ugali nya. Sabi nya, wag daw ako'ng magconclude agad. Hayaan ko daw muna ang explanation dahil friendly lang daw talaga yung tao. Oo, alam ko yun at hindi ako napanatag sa pag-uusap namin ng kaibigan nya.. Maluluha na 'ko, hindi ko alam kung ano ang bumabalot sa akin sa oras at araw na iyon. Sobrag weird. Sobrang kakaiba. At negative ito. Mag-aalas cinco na, tumawag na ako sa kanya. Sinagot nya at maingay na ang naririnig ko sa kabilang linya. Sumisigaw mga katrabaho nya at mga ojt nila. Nagkakasiyahan dahil sa thesis ng mga ito. Masaya ang boses nya habang ako, tulala at lutang. Di ako mapakali kasi mahirap talaga. Ewan ko kung bakit. Umuwi ako ng 8:00. Dumating ako sa bahay ng 9pm. Nagtext ako sa kanya ng tatlong mahahabang text na hindi na ko magtetext sa kanya at pinagfofocus ko na sya sa trabaho at review nya. Umoo sya, nag-agree sya sa sinabi ko. Natulog ako ng 3am na puro worries ang iniisip. I prayed to God na ipakita nya sa'kin kung ano yun'g nararamdaman ko ng araw na yun. Pagkatapos ng last 3 texts ko, di na rin sya nagparamdam.