Different Feelings
Martes, Abril 7, 2015
Relieved but...
Ang saya pala sa feeling na nababasa mo yung mga dati mo'ng blog tungkol sa ibat-ibang bagay lalo tungkol dun. Masaya yung feeling kasi naovercome mo yun'g dating ikaw na akala mo di ka na makakarecover. Thank God kasi Sya yung main reason kung bakit ko yun naovercome. The best kasi mga promise Nya e. Walang katulad. He never fails to amuse me. He never gets tired of me. He still loves and comforts me the best way He can do. I really thank my friends too na tumulong sa'kin, yung mga nagalit, nainis,naawa, hahaha pathetic me. XD And thank you din sa kanya kasi di nya ko sinukuan inspite of all. Masaya ako kung ano ang meron sa'min ngayon, kami pa rin hanggang ngayon. Di nya ko sinukuan e, inispoil nya ko to the nth power. haha Pero one thing na hindi ko maibigay sa kanya ay yung tiwala katulad ng dati. Yung tiwala na nasira at di ko na alam kung nasaan yung ibang piece. Pero lagi nya pinaparamdam na love nya ako. Salamat dun. I love him too, much. And we are putting God in the center of our relationship. :-)
PS: Salamat blogger.com! <3
Biyernes, Hulyo 18, 2014
Sunshine during the rain.
Is it really possible? A sunshine during the rain? hmmm. Pwede to! Posible talaga! Yung tipo na may araw pero umuulan. Kumbaga sa mga problema e may panibagong pag asa.
July 19 last year, Friday yun. Habang nasa proseso kaming dalawa ni Michael Angelo; yun bang nagkakatext pa pero maraming pain. Ang sakit sa pakiramdam. Ang hirap ng sitwasyon pero I convinced myself na ayoko na talaga. Kasi wala na kong tiwala pa sa kanya. Sa lahat ng sinasabi nya.
Gabi na, sinugod sa hospital ang kapatid ko dahil manganganak na. Dumating sa amin si Julio Tyrone. Sya ang naging araw ko noon. Ako madalas ang mag alaga at magpuyat sa mga panahon na yun. Pero lumalaki sya, hindi ko na kaya. -_- Naging sakitin sya sa loob ng 1 taon nya dito sa mundo. Dahil siguro sya na yung nagsuffet ng mga painom inom ng nanay nya habang nasa sinapupunan pa sya.
I am hoping for Julio's life to be so abundant. :-) God, bless him with all kinds! Give him enough strength and cover him with your Mighty hands. Amen! Umwaaaah
Ring
A ring is a sign of commitment and having contented in life with the one you really love.
Sacred sa'kin ang pagsusuot ng singsng. Ang gusto ko nga sana hanggat maaari e sa engagement at wedding lang ako magkakaroon nito. Yung tipo na kapag tapos na ako sa pag aaral at stable na sa buhay at handa na rin ang prinsipe ko e tsaka nya lang ako bibigyan nito. kakilig di ba? :3
2 years ago, August 11. Birthday ko. Niregaluhan ako ng boyfriend ko ng singsing :-) :-* kinilig ako. Pero madalang ko talaga sya isuot dahil nga sa ko hahaha. prinsipyo gud! lol! Nakalipas ang sampung buwan nang pagsusuot ko nito, di ko naman akalain na tatanggalin ko na ito at tuluyang itatago sa mga box ko.
Akala ko kuntento na sya sakin, akala ko okay kami. Akala ko mahal nya ako. Akala ko iba sya sa mga lalaking walang ginawa sa mga babae kundi pasakitan at lokohin lamang. Pero Akala lang ang lahat! Isang malaking akala!
Simula noon, di ko na sinuot yung singsing. Magkasama yung binili kong singsing para sa kanya at yung sa akin, nakalagay sa box. Doon nakaimbak. Tsaka na ko magsusuot nun. Tsaka na lang kapag buo na yung tiwala ko sa kanya. O kaya, tsaka na lang sa engagement at wedding ko na lang! :-)
Umaasa ako na may lalaki pang handang ibigay ang lahat, wag lang masaktan ang prinsesa nya. What a great love! :-)
Linggo, Hulyo 13, 2014
Isang magulong blogpost!
Siguro, gagawin ko ang blogpost na ito para sa kanya. Ang mge negatibo nyang ugali :P <3
1. Hindi sya sensitive. INSENSITIVE SYA! -Yung tipo na hindi nya alam na nasasaktan ako sa mga ginagawa nya, mga pinopost, mga sinasabi. Hindi ko yun kinakaya kaya siguro may pagkakataon na bigla na lang akong mag-iiba ng mood. Sweet tas biglang nagtransform sa pagiging masungit at mataray. Ee kasi naman sa lahat ba naman ng nangyari ee may guts pa syang magpost ng magpost ng mga picture nila ee kahit sabihin natin na magkaibigan lang sila. Iba pa rin ang dating sa'kin. Parang walang nangyyari sa mga ginawa nila aa! Hindi nya alam kung hanggang saan ang pagkainis ko dahil madalas sumusuko na syang suyuin ako pag nakita nya at naramdaman na ang tigas tigas ko. Kaya ang resulta, sasabihin ko na ang "break na tayo. ayoko na!" Pero syempre deep inside, hindi yun totoo. Dahil alam ko naman na magkakaayos kami ee mga dalawa o tatlong araw ang dadating, okay na kami. Ako na ang maglalambing sa kanya.
2. Pag di kami okay, sinusumbong agad ako sa...... ETC.! -Ito, ito pa ang nakakainis sa kanya. Pag di kami okay, aba magugulat na lang ako na sinabi nya na agad sa ojts/ officemates/ friends/ former cassmates/ friends ulit nya ang nangyari. Na side lang nya at nararamdaman ang pinapahayag. Syempre, kanino ang bagsak ng pagkakamali? Ee di sa akin syempre? Kasi ako yung mali na lalabas sa kwento nya. Ni hindi man lang nya sinabi kung bakit nangyari yun ee dahil din sa kagagawan nya. Pwede nga tong broadcaster ee, grabe! Wala syang inililihim sa ojts/ officemates/ friends/ former cassmates/ friends ulit nya. Hayst! Nakakainis yun ng sobra sa part ko. Pano ako? Pano yung side ko? Syempre, maniniwala sa kanya at sa opinyon ng mga taong yun ee sya ang papanigan. Ano na ang tingin nila sa akin ngayon? -_-
3. Very OBEDIENT! -Kapag di kami okay, syempre may pagkakaton na ang sasabihin ko talaga sa kanya ay 1.wag mo ko itext, aba! hindi na nga ako itetext. 2.ayaw kita kausap, hind nga ako kakausapin. 3. Hindi kita gusto kasama, aba'y iiwan nga ako. 4. Iwan mo na ako, iiwan nga ako kahit nasan pa kaming lugar. Mapajeep man, fx, nasa kalsada o mall. The heck di ba? Ilan lang yan sa mga sinusunod nya sa akin. Ang sweet nya nuh? Sobra! Ni hindi nya alam na ang sakit sakit na palagi nya akong iniiwan kung saan saan. Ang sakit sakit kaag lagi nya akong pinaghihintay. :'(
Yan na nga lang muna. Sa susunod na ang iba.
Miyerkules, Hulyo 2, 2014
Death Instinct 3
Araw ng Pasig City! Holiday ng Pasig! Napag-usapan namin na magkikita kami noon;g araw na ito dahil wala syang pasok at napag usapan namin ito ng Sabado bago ako magkaroon ng ibang pakiramdam na nangyayari ng Sunday. Dahil sa nagpaalam nga ako noong linggo ng gabi na di na magtetext or mag-aunli ee wala talaga ako'ng load kaya nag online ako. Nagulaat na lang ako sa mga nakita ko'ng posts nya. Tungkol sa mga kaibigan nya na mas masarap daw sa feeling na kasama nya ang mga yun. Luh? Nag-init ang dugo ko. Ayos na ayos1 Gusto ko'ng magalit dahil magtatanghali na pero di pa rin sya nagtetext o nag oopen para sa usapan namin'g magkikita kami ng Tuesday na yun. So, dahil dun inopen ko na sa kanya yun, tinanong kung magkikita pa kami. Ang sabi nya e nasa pantok pa sya at yun pa rin ang ginagawa nila kasama ojt's at officemates nya. Nakakagigil talaga. Ayun, nagparamdam ako na pupunta sa kanila para ibigay ang mga binili ko para sa kanya. (Ang hindi ko maintindihan sa sarili ko ee binili ko pa sya ng mga gamit ee may bad feelings naman ako na may mga nangyayaring di maganda.) Sinabi ko sa kanya yun na idadaan ko sa kanila yung mga yun. Pagdating ko sa kanila, wala lahat ng tao. Nakalock ang mga bahay. Pano na 'to? Hay! May pisong load pa ko'ng natitira patext. Nakita ako ng pinsan nya, pinatuloy sa kanila at sinabi na wala ng daw lahat ng tao. Sinabi ko din na hindi na ko maghihintay pa sa pagdating nung isa kaya iiwan ko na lang dapat yung mga gamit. Ayaw ako paalisin, kaya nagkwento sya ng nagkwento. Nabanggit nya na madami daw kasama yung isa the night before that day. Magswiswimming daw. Lahat sa kanila tumuloy. Nagulat ako doon. Hindi ko yun alam. Nagugulat at nagagalit na ang buong nerves ko. Lumipat kami ng bahay, sa isa naman nilang pinsan. Napagkwentuhan ulit namin yun at sinabi ko sa kanila na wag sabihin na nabanggit nila yun sakin. Hapon na pero wala pa rin sya. Sumabay na ako sa pinsan nya pagbaba para umuwi na. Nagdecide ako'ng magload bago sumakay paSm Taytay. Tinext ko sya, nagreply naman sya. Shiftness! May load ang loko! nakakagigil. Sabi nya, hintayin ko daw sya or magkita na lang kaming SM. nagduda na ako ng sobra. Umiiyak na ako sa Pancitan nina ate Raquel habang kumakain Tumawag ako kay Gerald at kuya Ogie. Di na ako mapakali. Nasa pantok lang sya pero bakit SM pa kami magkikita? ang labo! Sinabi ko na lahat ng nararamdaman ko kay Gerald at kay kuya Ogie. Nag8pm, wala pa rin agn loko at nalaman ko'ng galing syang Crossing. Another shiftness! Hindi ito isang maliit na problema. Malaki'ng gulo ang pinasok ng loko-loko ko'ng boyfriend. Nakasama ko sa paglalakad si kuya Ogie habang naglalabas ng sama ng loob. Nag9-10 na. Dumating sya, umuulan sa Darangan. Gusto ko'ng manampal that time. Pinilit nya ako'ng sumama sa kanila para kumain. Masungit na talaga ako sa jeep hanggang sa kanila. Galit na galit na 'ko. Hindi ako kumain, pinagalitan din sya ng Mama nya. Hindi ko sya pinapansin nor kinakausap. Pauwi na kami sa amin. Hinatid nya ako. Habang nasa Cardona, nakatalikod sa kanya. Sinabi ko'ng mag explain sya habang ako nakikinig, umiiyak. Bumaba kami sa Morong, sabi ko mag-usap kami habang naglalakad pasagbat. Mabilis ang mga lakad. ayaw ko syang makalapit. Malikot habang lumalakad. Sinabi ko lahat! Sinabi ko! Di ko na papahabain pa pero sinabi ko ang laht. Nagulat sya dahil nalaman ko ang mga ginawa nya, light pa lang yan. wala pa'ng matinding nangyayari. Ayoko ng ikwento dahil hahaba talaga to. Dumating kami sa amin. Ayaw nya umuwi. Mag12 na, kaya sinabi ko sa kanya na okay na kami kaya dapat na syang umuwi. Akala nya siguro ganun lang yun kadali kaya umuwi sya ng may pag-asa. Kinabukasan, nagtext ako ng madaling araw sa kanya. 7 texts na may 900 char each. mahahaba talaga. Nakikipag break ako sa texts ko. Hindi ko na kasi kaya ang lahat kasama nya. Feeling ko, talo ako. Feeling ko, hindi ko deserve na ginaganun lang ako ng isang kaulad nya na pinagkatiwalaan ko, pinagkatiwalaan ng pamilya ko. Feeling ko, time to stop na kung ano ang meron sa aming dalawa. I felt stupid and idiot that time. Down na down sa sarili. Maghaon yun, maghapon magkatext at sinasabing ayaw ko na. Hindi sya nakapagpigil, umamin sya na niloko nya ako Na may ibang babae. He chased. He cheated. 3pm. Nagwala ako. Nagwala na ako sa kwarto. Nasira ko ang cellphone ng ate ko sa sobrang galit ko. Nanginginig ang mga laman ko sa galit. Sobra! Hagulgol na ang lola nyo. Tumakbo ako sa likuran namin. Doon ko tinawaga ang mga classmate ko, si kuya Ogie, si kuya lowie at kuya pepe. Manloloko sya! Sinungaling! Ubod ng sinungaling! Nambash a ang mga classmate ko tungkol sa Jaine na yun na inakala namin'g sya yung babae at pati na rin ang loko loko ko'ng boyfriend. Ang sarap manampal. Siguro kung kaharap ko sya nun, lahat natanggapp nya sakin. Yun ang pinakamasakit na pinaramdam nya sa akin. Pinakamasakit! Ang lokohin nya ako! Na may iba. Hindi ko kakayanin kung makikita ko pa sya at kung makakausap ko pa sya. Galit ako, sobra. Gusto ko'ng magmura pero naiisip ko pa rin si Lord. Nandun pa din ang conviction ko sa ppaggawa ng hindi dapat. Ewan ko ba kung bakit, literal na nasasaktan ang puso ko. Para kong may heart attack that time. Umiiyak sya sa office habang kausap ako. Gusto ko'ng kausapin yung babae. Sabi ko, wag syang magpapakita sa akin kahit kailan. Sinabi ko din'g hindi ko sya icucurse yet ibebless ko pa sya sa lahat ng ginawa nya. I deactivate all my accounts. Pra di ko sya makita. Yung si Gerald at Veronica, pumunta sila sa bahay para icomfort ako. Soo blessed to have them as one of my closest friends. Hindi ako nakatulog. Tulala at umiiyak. Damay pati studies. Sinasabi ko sa kanya na hindi nya deserve ako at lalong lalo na hindi ko deserve na saktan lang ng loko loko katulad nya.
Linggo, Hunyo 29, 2014
Death Instinct
Sunday morning rain is falling. Steal some covers share some skin. The moment is unforgettable. Ganyang-ganyan ang setting noon'g June30. Isang malamig na daling araw at maulan na panahon. Mahirap umalis. Mahirap bumangon. Pero kailangan para sa pag-attend ng General Assembly ng IECEP-MSC (Organizational Annual Activity). Pero sobra ang lakas ng hangin at ulan kung saan nagdalawang isip na ang lahat na pumunta pa sa nasabing event. Ako, personally, hindi na ko tumuloy pa at nagstay na lang sa bahay nila. Habang kumakain ng breakfast, pinapauwi na nya ako. Hindi ko alam kung bakit ganun pero ramdam ko'ng may iba. Natapos ako'ng kumain. Ayoko pa talaga'ng umuwi pero pinuPUsh nya ako'ng umuwi na at umalis na. Nanood na aKo ng tv, palipas oras nang bigla syang tumayo sa pagkakarinig ng cellphone nya na may tumatawag. Lumayo sya sa akin nung sinagot nya ang tawag na yun. Naiba ang hitsura ko, naiba ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko, ang bigat bigat at ang sakit sakit sa kalooban ko. Narinig ko na tinawag nya ang kausap nya'ng "Ma'am" pero lumipas ang isang minuto ng pag-uusap nila, agad syang tumaas sa 2nd floor ng bahay nila para hindi ko lalo marinig ang usapan nila. Tuluyan na'ng hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila. Pero mula sa iilang phrases na narinig ko, nabuo sa isip ko na isa iyong malaking pagkakamali na malalaman ko din. Bumaba sya ng bahay nila, ako tulala na. Di ko na sya kinakausap, yung coldness nandoon. Pero di ko din napigilan kaya tinanong ko sya kung sino yun'g tumawag at kung bakit may pasundo sundo yung narinig ko. Ang sinagot nya sa akin ay isa iyong ojt nila sa trabaho, Jaine ang pangalan. Nagpapasundo yung babae sa Binangonan bayan dahil puupunta sila ng Pantok, Binangonan para magpatulong sa iba pa nilang Sir at Ma'am sa thesis ng mga taga-Bataan. I convinced myself na umuwi na nga lang at agad ko'ng naisip na magpunta na lang muna ng SM Taytay para bumili ng diff.stuffs :3 Inakala ko din'g sasamahan nya ako pero nagkamali ako. Nasa kanto na, naghihintay na kami ng jeep pa-sm. Sabi nya ng isang beses, samahan nya daw ako pero di rin nya ko sinamahan kasi trap lang yun. Walang dumadaan na jeep Sm. Sabi ko sa kanya, tawid na lang kami dahil sasama na lang ako sa kanya sa Bayan ng Binangonan. He refused. He grabbed my hand forcefully at inakyat sa jeep patropical. Coldness again. Di ako nagtext, Di ako tumawag. Wala kahit ano. Malalim ang iniisip ko. Di ako mapalagay. Marami na ang naglalaro sa isip ko. Marami na syang text. Hindi ko alam ang gagawin ko. Mahirap. Masakit.Mas mahirap. Mas masakit. Nagulat ako na may tawag galing sa kanya, i answered it. Mag-ingat daw ako at magtext time-to-time. Sumagot ako ng oo. Dumating ako ng Sm; kumain, bumili ng iba't-iba nyang gamit at kumain ulit. Mag-aalas tres na ng hapon, nirereject nya na ang mga tawag ko o kaya naman hinahayaan nya'ng magring lang ang phone nya. Nung nakausap ko sya earlier 3pm, sinabi nya sa akin na nasa Pritil sya at naglalakad sa baybayin nito. I worried so much kaya tumawag ako sa isang kaibigan, sa isa nyang malapit na kaibigan para itanong ang ugali nya. Sabi nya, wag daw ako'ng magconclude agad. Hayaan ko daw muna ang explanation dahil friendly lang daw talaga yung tao. Oo, alam ko yun at hindi ako napanatag sa pag-uusap namin ng kaibigan nya.. Maluluha na 'ko, hindi ko alam kung ano ang bumabalot sa akin sa oras at araw na iyon. Sobrag weird. Sobrang kakaiba. At negative ito. Mag-aalas cinco na, tumawag na ako sa kanya. Sinagot nya at maingay na ang naririnig ko sa kabilang linya. Sumisigaw mga katrabaho nya at mga ojt nila. Nagkakasiyahan dahil sa thesis ng mga ito. Masaya ang boses nya habang ako, tulala at lutang. Di ako mapakali kasi mahirap talaga. Ewan ko kung bakit. Umuwi ako ng 8:00. Dumating ako sa bahay ng 9pm. Nagtext ako sa kanya ng tatlong mahahabang text na hindi na ko magtetext sa kanya at pinagfofocus ko na sya sa trabaho at review nya. Umoo sya, nag-agree sya sa sinabi ko. Natulog ako ng 3am na puro worries ang iniisip. I prayed to God na ipakita nya sa'kin kung ano yun'g nararamdaman ko ng araw na yun. Pagkatapos ng last 3 texts ko, di na rin sya nagparamdam.