Biyernes, Hulyo 18, 2014

Ring

A ring is a sign of commitment and having contented in life with the one you really love.

Sacred sa'kin ang pagsusuot ng singsng. Ang gusto ko nga sana hanggat maaari e sa engagement at wedding lang ako magkakaroon nito. Yung tipo na kapag tapos na ako sa pag aaral at stable na sa buhay at handa na rin ang prinsipe ko e tsaka nya lang ako bibigyan nito. kakilig di ba? :3

2 years ago, August 11. Birthday ko. Niregaluhan ako ng boyfriend ko ng singsing :-) :-* kinilig ako. Pero madalang ko talaga sya isuot dahil nga sa   ko hahaha. prinsipyo gud! lol! Nakalipas ang sampung buwan nang pagsusuot ko nito, di ko naman akalain na tatanggalin ko na ito at tuluyang itatago sa mga box ko.

Akala ko kuntento na sya sakin, akala ko okay kami. Akala ko mahal nya ako. Akala ko iba sya sa mga lalaking walang ginawa sa mga babae kundi pasakitan at lokohin lamang. Pero Akala lang ang lahat! Isang malaking akala!

Simula noon, di ko na sinuot yung singsing. Magkasama yung binili kong singsing para sa kanya at yung sa akin, nakalagay sa box. Doon nakaimbak. Tsaka na ko magsusuot nun. Tsaka na lang kapag buo na yung tiwala ko sa kanya. O kaya, tsaka na lang sa engagement at wedding ko na lang! :-)

Umaasa ako na may lalaki pang handang ibigay ang lahat, wag lang masaktan ang prinsesa nya. What a great love! :-)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento